BUMILI AT KUMITA sa the3ct.com
If you want to see an english translation of this matter please click
HERE)
Sa the3ct.com pwede kayong kumita habang namimili:
Paunawa:
Hindi po ito isang "pyramiding" scheme o isa sa mga tinatawag na panandaliang paraan upang kumita ng malaki, at hindi po kami naniniwala sa mga ganoong paraan o programa.
Ang programang ito ng the3ct.com ay multi-level marketing scheme na isang legal at lehitimong pamamaraan ng pagpapatakbo ng isang negosyo. Ito ay ginagamit ng ilang malalaki at tanyag na kumpanya gaya ng Amway, Mary Kay Cosmetics at iba pa. Ang multi-level marketing ay gumagamit ng mga individual na tao para magbenta o bumili ng produkto. Ngunit sa the3ct.com ang mga miyembro ay hindi po obligadong magbenta ng mga produkto. Ang individual na kita ng mga miyembro ay depende sa sariling nabili o nabenta kung kayo ay seller. Sa the3ct.com, ang kita ng bawat miyembro ay depende sa individual na napamili o napamili ng ibang miyembro. Ang kumpanya ay nagbibigay ng share sa mga miyembro tuwing may bibili ng produkto sa the3ct.com. Kaya ang prgramang ito ay pwdeng matawag na "profit sharing" scheme. Ibig sabihin bawat miyembro ay co-owner ng kumpanya dahil may hati sila sa bawat kikitain ng kumpanya. Sa kabilang dako, sa "pyramiding" scheme ang mga bagong pasok na miyembro ay obligadong mag-invest ng malaking halaga o bumili ng mga produkto na sobrang mahal. Sa pyramiding scheme, ang kumpanya at mga miyembro nito ay kumikita lamang galing sa tinatawag na investment ng mga bagong pasok na miyembro at hindi dahil sa pagbenta ng mga produkto. Kaya kapag wala nang pumapasok na bagong miyembro o halimbawa saturated na ang merkado, ibig sabihin lahat ng puwedeng sumali sa programa ay nakapasok na, wala na rin kikitain ang pyramiding company at mga miyembro nito. Sa puntong ito, dahil hindi na kumikita ang mga miyembro tatamarin na rin silang mag-recruite ng mga bagong kasapi o miyembro at ang kumpanya ay unti-unti nang humina hanggang sa ito ay tuluyan nang mawala. Sa kabilang dako, sa the3ct.com, ang kita ng kumpanya at mga miyembro nito ay nakasalalay sa mga binebentang produkto at hindi nakadepende sa contributions o investment ng mga bagong pasok na miyembro, kaya kahit wala nang pumapasok na bagong miyembro basta patuloy na namimili ang mga tao sa the3ct.com, ay tuloy-tuloy pa rin ang kita ng mga miyembro at patuloy pa rin ang operations ng kumpanya. At ito naman ay inaasahan dahil ang mga produkto sa the3ct.com ay pawang basic na pangangailangan sa pang-araw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang tao. Kaya ang the3ct.com ay hindi apektado sa tinatawag na market saturation. Ang maganda sa programa ng the3ct.com, ang mga miyembro ay hindi kinakailangang magbenta ng mga produkto o magrecruite ng maraming kasapi para kumita. Ang kailangan lang na gawin ng mga miyembro para patuloy na kumita ay mamili sa the3ct.com ng mga pang-araw-araw nilang mga gamit, na normal naman na dapat nilang ginagawa kahit hindi sila kasapi o miyembro sa programa ng the3ct.com.
Mga Paraan Para Kumita:
Tuwing mamili kayo ng kahit anong produkto sa the3ct.com, kayo ay kikita.
Tuwing mamili sa the3ct.com ang mga ibang kasapi ng kahit anong proukto, kayo ay kikita. Mas mararaming namimili ay nangangahulugan ng mas malaking kita ng mga miyembro.
Puwede rin kayong magbenta ng mga sarili ninyong produkto sa the3ct.com at kayo ay kikita. Gumawa kayo ng sarili ninyong store sa the3ct.com. Tutulungan kayo ng mga staff ng the3ct.com.
Paano Sumali:
Bumili ng kahit anong produkto o mga produkto na may kabuoang halaga na isang daang piso, Php 100.00 (minimum).
Kumpletuhin ang Personal Infomation Form. Basahing mabuti ang "Terms and Conditions" at markahan ng ekis(X) ang "Agree" sa ibaba nito. Magsama ng xerox o photocopy ng isang valid ID na kung saan makikita ang 1)- buong pangalan, 2)-kumpletong address, at 3)-araw ng kapanganakan (birthday), at a o isauli lahat ang mga ito sa kung saan ninyo nabili ang produkto, kasama ang sales invoice.
Buksan ang inyong registradong email o ang email na nilagay ninyo sa Personal Information Form, at maghintay ng mensahe mula sa the3ct.com.
Kapag tapos na ang inyong online account, may
matatanggap kayong mensahe sa email na magsasabing tapos na ang inyong
online account. Sa puntong ito,puwede mo nang buksan ang iyong online
account gamit ang "username" at "password" na ibinigay mo sa isinumite mong
Personal Information Form. Sa sandaling matagumpay na mabuksan ang inyong
account may lalabas na pahina kung saan may makikita ka na kagaya ng larawan
sa ibaba, kung saan makikita mo ang iyong pangalan, Id number, at kung
magkano ang pera mo sa iyong E-wallet. Pwede mong i-withdraw ang pera mo sa
iyong E-wallet(ibig sabihin ilipat "transfer" sa iyong GCash o Paypal
Account o bank account =BPI o Metrobank) o gamiting pambili ng mga
kailangan mong produkto sa the3ct.com